Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Jayna Fiye Cuenca


        
  
       Ako  ay nabuhay sa mundong ito dahil sa pagmamahalan ng aking mga magulang at nagpapasalamat ako sa kanila kasi binigyan nila ako ng pangalan,tahanan,pamilya at payapang pamumuhay.
       
Eto ay noong ako'y bininyagan
         Ngayon ihahayag ko sa inyo kung paano nag simula ang buhay ko. Ako ay nagngangalang  Jayna fiye Cuenca ,ipinanganak noong Setyembre 16,1914,tubong brgy. San Gabriel San Pablo City at bininyagan sa  San Pablo Cathedral Church. Ako ay bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Winnie Cuenca Baculbas at Arman Guevera Baculbas na bagaman Isinilang sa magkaibang Lugar ay pinalad na magtagpo ang landas kaya ngayon nga ay meron ng mga supling, Ako ang panganay na sinundan nina Heidie,Justin,Cybelle at ang bunso si khell.

Kasama ko dito ang aking Ninang

          syempre ako nga ang panganay kaya naman sunod ako sa luho sa natatandaan ko nga naging napakaganda ng naging celebration ng 1st Birtday ko ay lubos ko iyong ikinasaya. 
 
           Sa natatandaan ko , noong ako ay Limang taong gulang na ay ipinasok na ako ng aking mga Magulang  sa Kinder Garten School para Mag-aral, ngunit ng mga Panahong iyon ay hindi ko sila kasama  dahil doon sila nakatira sa Brgy. Sto Nino kung  saan nagtatrabaho si papa bilang isang Farm Manager .Ako naman ay nasa puder nina lolo at lola kasi doon ang lugar kung saan ako nag-aaral.sa naaalala ko nakakasama ko lang ang aking mga magulang tuwing araw na walang pasok,at ang hindi ko makakalimutan noon ay ang laging pagpitpit sa kamay ko ng aking tiyahin dahil sa kagustuhan niya na maging kanan ang pang sulat ko kasi noon ay isa talaga akong kaliwete, pero sino nga ba ang makakapagsabi na dahil doon ay magiging kanan na ang aking pangsulat.
  
          Sa Pagtuntong ko naman ng Grade 1 ay sa mga magulang ko na ako tumira,Doon na rin ako pumasok sa San Ignacio Elementary School,marami din naman akong naging kaibigan doon at sa katunayan nga may honor ako ng natapos ko ang Grade 1 at naging napakasaya ko at ng aking pamilya noon.

Ang isa namang nakapagbigay ng sobrang kasiyahan sa Akin at maging sa  aking Pamilya ay noong ako ay Grade 2, sapagkat ng panahong ito ay dalawa ang naging medalya ko, ang isa ay para sa pagiging first honor ko at ang isa naman ay para sa pagkapanalo ko ng ika-dalawang puwesto noong ako ay lumaban ng Sibika 2 sa eskwelahan ng San Francisco Calihan.
Dito na din sa eskwelahang ito ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko ng Grade 3.noon ipinanlaban din ako sa ibat-ibang asignatura, minsan pinapalad  na manalo at minsan ay hindi,pero magkagayon man ay masaya pa rin ako at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng natatanggap ko dahil ako pa rin ang First Honor ng taong ito.

Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay namin noong kasalukuyang nagbabakasyon ako ng Grade 3,nagkaroon kasi noon ng gulo sa tinitirhan namin at ng mga oras na ito ay nanganib pati buhay namin , kaya naman ipinasya ni papa na iwan na ang magandang trabaho pati ang magandang buhay namin doon , lubos ko iyong kinalungkot dahil nasanay na ako salugar na iyon , at ang isa pang kinalulungkot ko ay maiiwan ko na ang matatalik kong kaibigan at ang magandang buhay na kinagisnan ko.

Sumapit na nga ang  araw ng pasukan ng Grade 4 at hindi ako pumasok sa eskwelahang dati ko ng pinapasukan kundi akoay nag transfer sa paaralan ng San Gabriel,at ng dahil sa nangyaring nagbago sa buhay namin nagpasya ang mga magulang ko na magbakasyon muna sa Bicol kasama ang dalawa kong kapatid na sina justin at cybelle. kami namang dalawa ni heidie ay naiwan sa pangangalaga ng aming lolo at lola sa kadahilanang doon kami nag-aaral . hanggang sa dumating na nga ang pinamalunkot na sandali ng aming  buhay,habang kami ni heidie ay kasalukuyang pauwi na ng bahay ay napansin naming parang may hindi tamang kinikilos ang mga yao doon sapagkat si lola ay naiyak, kaya naman ipinasya kong itanong kina lolo kung bakit naiyak si lola , nung una  hindi nila masabi sa amin ang dahilan pero di kalaunan ay nasabi na rin nila sa amin ng kapatid ko na Patay na daw ang kaisa -isang kapatid namin na si justin na ng mga oras na iyon ay nasa Bicol ,kaya naman agad na umagos ang maraming luha mula sa aking mga mata at noon hindi talaga namin matanggap ang pagkamatay niya dahil mahal namahal namin siya at bukod pa doon 3 taong gulang pa lang siya ng bawian ng buhay.ang masakit pa doon ni hindi man lang namin siya nasilayan at nakasama bago siya bawian ng buhay, kaya naman kinamumuhian ko ang Agosto 16, 2004 eto ang araw kung kailan siya nawala sa mundong ito.

Eto ay noong Graduation ko ng Grade 6
Matapos ang pangyayaring iyon ay nataggap na din naman namin ang katotohanan at ipinagpatuloy ang buhay ..naging masaya din naman kami noon sa katunayan nga naka Graduate ako ng Grade 6 na may karangalan, at lubos  iyong ikinasiya ng buong pamilya.

Tapos na nga ang bakasyon kaya naman ako ay papasok na sa paaralan ng CLDDMNHS bilang isang 1st yr. student,at sa hindi inaasahan dito ko nakita at nakilala si Maryjane Agoho .hindi ko itinatanggi na hindi ganoon kadali ang maging 1st yr., kaya lubos akong nagpapasalamat dahil naipasa ko ang unang taon ko sa Hihgschool.

Naghatid din sa akin ng kasiyahan ang mga sumunod na taon ko sa highschool dahil dito ko nakilala sina erica, may,ella,cathy at jonah na nagsilbing mga kaibigan  at parte ng buhay ko.at sa kauna-unahang pagkakaton dito ko rin naranasan ang sumali sa JS PROM at hindi ko ikinakaila na ang araw na ito ay naghatid sa akin ng kasiyahan.

Eto ay noong lumaban kami ng Highschool Musical 
Ngayon nga na kasalukuyan akong 4th yr.Highschool student ay hindi kaila sa skin na bago pa man ako maka Graduate ay marami pa akong kinakailangang gawin, pero naghatid din naman sa akin ang School na ito ng kasiyahan at maraming karanasan , sapagkat ngayon maraming sinalihang kompetisyon ang seksyon namin tulad ng Highschool musical,Cheer Dance atbp.na pinalad na mapanalunan namin at kahit na hindikami nag champion ay naging masaya naman kami.
Isa pa ngayon ding taong ito nanganak muli si mama ng Lalaki at alam namin na siya ang binugay ng diyos sa amin kapalit ni justin at lubos naming ipinagpapasalamat iyon dahil, batid namin na ang batang ito ay ang pupunan sa lahat ng hindi nagawa ng kuya niya sa mundong ito.

Eto ako ngayon
Ngayon nga na buwan na lang ang bibilangin bago mag Graduation ay lubos  na kasiyahan ang aking nararamdaman , sapagkat hudyat na ito ng simula ng aking buhay natatahakin , pero syempre nakadarama rin ako ng kalungkutan sa pagkat ang pagtatapos ko sa Highschool ay ang panahon ding kung kailan maghihiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan, pero higit ko munang iisipin ang ngayon bago ang lahat, dahil hindi ko naman hawak ang bukas at makaka-asa kayo na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.

Hanggang dito na lang muna,dahil sa ngayon eto pa lang ang nararating ko at makaaasa kayo na idudugtong ko dito ang panibagong yugto ng Buhay ko.

Sana marami kayong napulot na aral at magamit nyo itong leksyon sa inyong Buhay...









No comments:

Post a Comment