Tuesday, March 22, 2011

TALAMBUHAY NI AXL RAYMUNDO MOJICA

pppp
Noong sanggol pa ako

Ako si Axl Raymundo Mojica ipinanganak noong ika-30 ng Abril taong 1995.ako ay panganay sa aming mag kakapatid.ang aking mga mahal na magulang ay sina Benson Mojica at Linda Mojica
ako ay ipinanganak sa San Pablo City Laguna.

Tunay na maganda ang pag papalaki sa akin ng mga magulang.noong  ako ay sangol pa lamang.Binuhos nila lahat sa akin ang kanilang pagmamahal.
 kahit na isipan nang aking mahal na mama na mag tungo sa taiwan upang mag hanap buhay upang may maipang tutos sa aming mga pangangailangan. di naman nag kukulang sa pag aalaga ang aming ama.
noon bata pa lang kami ay madalas din kami na iiwan sa aking lola para may mag bantay sa amin pansamantala

madalas din kasi si papa sumama sa pag vovuluntaryo sa mga nagaganap na sakuna .tulad na lamang noong sumabog ang bulkang mayon.sila nang mga kaopisina niya ay nakiisa sa pag tulong sa mga na ganap na
sakuna.

My 1st bisrthday


ako ay nag simulang mag aral sa paaralan ng D.I Calihan Day Care Center.minsan naaalala ko pa na madalas kaming mapagalitan
nang aming guro dahil sa sobrang gulo namen sa klase.nang mag tapos ako sa paaralang ito ay humanap ng
paaralan ang aking mga magulang na aking pag papasukan.

naisipan at napag kasunduan nang aking mga magulang na sa Deves Elementary School ako
pagaralin nang grade one isang taon lang ako nag aral dito at inilipat sa San Pablo Central School upang doon ipag patuloy ang pag aaral ko .ngunit sa hindi inaasahang mga bagay ay napahinto ako sa pag aaral.naging sakitin ko .sobra din akong likot kaya na lamang madalas din ako ma aksidente.tulad na lamang noong nag babaras ako na aksidenteng pumihit ang tubong kinakapitan ko at sabay kami pumatak sa semento ng tubo.tumama ang baba ko sa semento na nag uwi sa isang bumukang sugat .dali dali akong pumasok nang bahay upang malaman ang nangyari sakin.dali dali akong dinala sa pagamutan nang aking mga magulang at ipina tahi ito.ilang linggo din ako nag pagaling at isang taon ang nakalipas ay na sundan na naman ito ng isa pang aksidente noong nag punta kami sa Sm  nag punta ako sa palikuran ngunit aksidente akong na dulas at nawalan ng balanse at tuluyang bumagsak at tumama ang aking baba sa lababo ng palikuran at nag dulot ulit na sugat sa baba ko at dali dali akong dinala sa klinika ng Sm upang malapatan nang pangunahing lunas.

Sa ilang taon kong paghinto sa pag-aaral marami akong natutunan sa mga naging barkada ko na di naman mga bisyo kundi mga bagay na mapagkakaabalahan pag walang ginagawa. tinuruan ako nang mga kaibigan
ko maglaro ng basketball at pag lalaro na baseball tuwing araw nang sabado. sa paaralan kami ng San Roque naglalaronito.madalas din sila mag swimming sa ilog sa San Rapael sa may riverina noong panahong malinis pa ang tubig doon.natutunan ko din ang mamiwas ng isa.


Nang maisipan ko na ulit ipagpatuloy ang pag aaral may mga bagay akong. natutunan.tulad na lamang nang pag lalaro nang
sepak at volleyball ngunit hindi ako nag player sa nasabi kong mga laro.sa larong basketball ako nag tryout at pinalad na maging player sa central.at lumaban sa Division meet naka harap namin ang ibat ibang paaralan gaya nang Cannosa,Dapdapan,Saint Joseph, San Pablo Collages.kami ay hindi pinalad na mag kampyon sa larong ito.kami ay ay nag kamit ng ikatlong pwesto kahit papaano.simula nang pag sali ko sa bawat mga sports.nag simula narin akong makilahok sa liga sa aming lugar.madalas man akong di nakakalaro sa bawat laro ng aming kupunan ay masaya parin ako na nanonood ng bawat laban .

Dumako naman tayo sa pag tungtong ko sa high school.ako ay nag-enrol sa paaralan ng Dizon High ng walang pag aalin-langan.
sa pag tungtong ko sa unang antas sa High School marami akong bagong naging mga kaibigan.dito ko nakilala si Mark si Eman si Rodnie at iba pa.si John Paul din ay naging kabarkada ko din ..naisipan niyang mag aral mag gitara na nag paturo sakin .natuto din naman agad ito at ng magtagal ay naisipan nadin namin na mag buo ng banda.humanap kami nang gitarista vocalist at drumer may nahanap kami sa gitara ay nakita namin na marunung din mag gitara ang kaklase naming babae na si aina ito narin ang kinuha namin para sa pwesto sa pag babass.sa vocalist naman ay kinuha namin si rodnie at shaira sabirin sa dums naman ay c mark john carlos tinawag ang banda naming the classmate sapagkat kaming lahat ay mag kaka eskwela. unang sabak pa lang namin ay nag audition kami kay sir Victorio pinalad kaming maka pasok para sa pag tugtog sa ginanap na battle of the band sa dizon.sumali din ako sa lakan at mutya nang dizon high hindi man nanalo ay ayos lang
sapagkat malaking karangalan na naging isa ako sa mga kasali.


Pag tungtong ko naman sa ikalawang antas marami rin kaming mag naging karanasan tulad na lang nang pag sali sa Florante at Laura. ang aming sekyon ay nag kamit ng ikalawang pwesto sa nasabing patimpalak ako naman ay pinalad na mag kamit ng ika unang pwesto sa pag ganap ko bilang menandro di lang naman dahil sakin kaya na kamit ko yon sa tulong din ng gumanap na kawal na sina allen,bryan,at si eman.

sa ikatlong antas naman ay naging masaya din ako naka sali ako sa banda at naging extra vocalist kinuha ako
nila john paul sa banda at sumali kami sa battle of the band sa labas na paaralan kami ay nakapasok sa ika apat na pwesto ngunit una ikalawa at ikaklo lamang ang may premyo
Practice ng cheerdance

sa ika apat na antas naman ay marami akong naranasan tulad ng pag sali ng aming sekyon sa cheerdance kami ay hindi man pinalad na mag kampyon. kahit ika apat na pwesto lang ang aming sekyon ay naging masaya naman kami.naranasan ko din ang isa sa pinaka masayang event sa paaralan ang mini olympics kami ay sumali sa mga laro gaya nang soccer,volleyball,basketball sa soccer kami nag kamit nang ikalawang pwesto at sa iba ay wala na.

ngaun ay marami akong binabalak sa aking buhaygusto ko nang makatapos sa pag-aaral at mag-hanap nang trabaho upang makaipon ng pera para sa aking kinabukasan.


Tropang Suko
JS Prom ng 4c :)




Tuesday, February 22, 2011

Talambuhay ni Sarah Maica Dela Cruz

Ako ito,Sarah Maica R.Dela Cruz
          Noong Marso 3, 1995 ipinanganak ako.Ako si Sarah Maica Ramos Dela Cruz.Anak ako nina Irene at Ricardo Dela Cruz.May isa akong kapatid at ato ay si Jay Brian Dela Cruz.Kami ay nakatira sa Brgy.Sta.Catalina San Pabo City.
          Ako ay bunso sa amin.Inilalarawan ako ng iba na ako daw ay matalino,mabait at masipag pero ito kabaligtaran sa ngayon dahil sa mga napagdaanan ko.Simple lang akong babae at syempre may pangarap sa buhay na gustong matupad kaya ako nagsisikap ngayon.      
           Bininyagan ako nito,nagpakuha kami ng picture ng kuya ko.Ang sweet daw namin ng kuya ko lagi daw kase akong inaalagaan at binabantayan hanggang ngayon.Kinukwento pa nga niya na ang kulit-kulit ko daw.
           Nagbirthday ako ng one year old,ang saya-saya ko kase kasama ko sina mama.Ang dami kong natanggap na regalo mua sa mga bisita ko.Tanda ko pa nga agawan kami ni kuya sa mga regalong yun.Si mama ang kasama ko lagi sa mga pictures ko.Simple ang yang mama ko,mapagmahal,sobrang maalaga at kahit napakataray eh mahal na mahal namin yan nina papa.Ipinagmamaaki kong nagaing nanay ko yan kase kahit anung problema ang dumating eh di niya kami iniwan.Diyan ako bilib sa mama ko!.

Ivy ellaine and Franz with their baby girl Franzaine


       Nag-enroll ako sa Dizon High.1-A ako nun,mahirap makipagsabayan sa kanila bagus nagcucutting pa ako nun kaya bumaba ang section ko pero nung napalipat na ako sa 2B naging masaya ako kasi nakilala ko ang bestfriend kong si Ivy Ellaine Faustino.Hanggang ngayon ay bestfriend kami kahit siya ay nag-asawa ng maaga eh di parin niya ako nakakalimutan.Pag may problema kami,nagtetext lang kami para makahingi ng advice.Miss ko na yung babaeng yun kahit lagi akong inaasar.
Gizelle,Micah,Rinalyn,Sarah
           Bumaba na naman ang section ko.Nung una ayaw ko sa 3C pero  mas masaya pala dito.Nakilala ko yung mga totoo kong kaibigan at may nabuo kaming samahan ito ay ang "PEPXTERSZ".Ako,si Ivy,Gizelle,Micah,Rinah,Jean,Jaeime at Rachel.Nakakamiss pero ganun talaga ang buhay eh.nagkahiwa-hiwalay kami kase yung iba bumaba ang section at yung iba ay nagsipag asawa na.JS Prom,ang saya kahit di kumpleto.
JS PROM 2010,Ako at Si Kenneth

           Lumipat man ang iba,pero nanatili parin kami sa C.Kahit apat na lang kami at minsan ay nag-aaway ay ayos pa din kami sa kabila ng mga problema nagagawa pa naming tumawa.Masaya kaming makakapagtapos at sana ay matupad namin ang mga pangarap namin.

4Conquerors with Mrs.Analyn Dadivas


              
2H Girls with Don Arago
2H Boys, Reyes,Edward,Russel
             Sa pagiging palakaibigan ko ay naatasan kaming magturo ng Florante at Laura sa 2H.Mahirap at sobrang nakakapagod.May isang taong nakaagaw ng atensyon ko at yun ay si Edward Torina.Mabait siya,maalaga at sa kanya ko lang naramdaman yung ganito.Nung una flirt lang,pero di ko namamalayan na nahulog na pala ako sa kanya.Nanligaw siya at nung Jan.27,2011 ay naging kami na hanggang ngayon.sa kanya lang ako nagseryoso ng ganito.Ag lagi niya lang payo sakin ay mag-aral ako ng mabuti para maging maayos ang buhay ko.Mahal na mahal ko siya,binago niya ang buhay ko.

Mr.Edward De Torres Torina 



               
              Ang buhay ko ay marami ng pinagdaanan lalo na ngayong may probema ako at di ko alam kung paano ito lutasin.Magiging matatag ako pars sa kanya at para sa sarii ko,ayoko kasing mawala ang taong mahal na mahal kio.Madami na din akong nagawang pagkakamali pero ito ay pinagsisisihan ko na,Mas masarap mabuhay ng masaya,mapayapa at walang kaaway.
  Ito ang aking makabuluhang talambuhay.

Sarah Maica Ramos Dela Cruz
                                          

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Jayna Fiye Cuenca


        
  
       Ako  ay nabuhay sa mundong ito dahil sa pagmamahalan ng aking mga magulang at nagpapasalamat ako sa kanila kasi binigyan nila ako ng pangalan,tahanan,pamilya at payapang pamumuhay.
       
Eto ay noong ako'y bininyagan
         Ngayon ihahayag ko sa inyo kung paano nag simula ang buhay ko. Ako ay nagngangalang  Jayna fiye Cuenca ,ipinanganak noong Setyembre 16,1914,tubong brgy. San Gabriel San Pablo City at bininyagan sa  San Pablo Cathedral Church. Ako ay bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Winnie Cuenca Baculbas at Arman Guevera Baculbas na bagaman Isinilang sa magkaibang Lugar ay pinalad na magtagpo ang landas kaya ngayon nga ay meron ng mga supling, Ako ang panganay na sinundan nina Heidie,Justin,Cybelle at ang bunso si khell.

Kasama ko dito ang aking Ninang

          syempre ako nga ang panganay kaya naman sunod ako sa luho sa natatandaan ko nga naging napakaganda ng naging celebration ng 1st Birtday ko ay lubos ko iyong ikinasaya. 
 
           Sa natatandaan ko , noong ako ay Limang taong gulang na ay ipinasok na ako ng aking mga Magulang  sa Kinder Garten School para Mag-aral, ngunit ng mga Panahong iyon ay hindi ko sila kasama  dahil doon sila nakatira sa Brgy. Sto Nino kung  saan nagtatrabaho si papa bilang isang Farm Manager .Ako naman ay nasa puder nina lolo at lola kasi doon ang lugar kung saan ako nag-aaral.sa naaalala ko nakakasama ko lang ang aking mga magulang tuwing araw na walang pasok,at ang hindi ko makakalimutan noon ay ang laging pagpitpit sa kamay ko ng aking tiyahin dahil sa kagustuhan niya na maging kanan ang pang sulat ko kasi noon ay isa talaga akong kaliwete, pero sino nga ba ang makakapagsabi na dahil doon ay magiging kanan na ang aking pangsulat.
  
          Sa Pagtuntong ko naman ng Grade 1 ay sa mga magulang ko na ako tumira,Doon na rin ako pumasok sa San Ignacio Elementary School,marami din naman akong naging kaibigan doon at sa katunayan nga may honor ako ng natapos ko ang Grade 1 at naging napakasaya ko at ng aking pamilya noon.

Ang isa namang nakapagbigay ng sobrang kasiyahan sa Akin at maging sa  aking Pamilya ay noong ako ay Grade 2, sapagkat ng panahong ito ay dalawa ang naging medalya ko, ang isa ay para sa pagiging first honor ko at ang isa naman ay para sa pagkapanalo ko ng ika-dalawang puwesto noong ako ay lumaban ng Sibika 2 sa eskwelahan ng San Francisco Calihan.
Dito na din sa eskwelahang ito ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko ng Grade 3.noon ipinanlaban din ako sa ibat-ibang asignatura, minsan pinapalad  na manalo at minsan ay hindi,pero magkagayon man ay masaya pa rin ako at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng natatanggap ko dahil ako pa rin ang First Honor ng taong ito.

Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay namin noong kasalukuyang nagbabakasyon ako ng Grade 3,nagkaroon kasi noon ng gulo sa tinitirhan namin at ng mga oras na ito ay nanganib pati buhay namin , kaya naman ipinasya ni papa na iwan na ang magandang trabaho pati ang magandang buhay namin doon , lubos ko iyong kinalungkot dahil nasanay na ako salugar na iyon , at ang isa pang kinalulungkot ko ay maiiwan ko na ang matatalik kong kaibigan at ang magandang buhay na kinagisnan ko.

Sumapit na nga ang  araw ng pasukan ng Grade 4 at hindi ako pumasok sa eskwelahang dati ko ng pinapasukan kundi akoay nag transfer sa paaralan ng San Gabriel,at ng dahil sa nangyaring nagbago sa buhay namin nagpasya ang mga magulang ko na magbakasyon muna sa Bicol kasama ang dalawa kong kapatid na sina justin at cybelle. kami namang dalawa ni heidie ay naiwan sa pangangalaga ng aming lolo at lola sa kadahilanang doon kami nag-aaral . hanggang sa dumating na nga ang pinamalunkot na sandali ng aming  buhay,habang kami ni heidie ay kasalukuyang pauwi na ng bahay ay napansin naming parang may hindi tamang kinikilos ang mga yao doon sapagkat si lola ay naiyak, kaya naman ipinasya kong itanong kina lolo kung bakit naiyak si lola , nung una  hindi nila masabi sa amin ang dahilan pero di kalaunan ay nasabi na rin nila sa amin ng kapatid ko na Patay na daw ang kaisa -isang kapatid namin na si justin na ng mga oras na iyon ay nasa Bicol ,kaya naman agad na umagos ang maraming luha mula sa aking mga mata at noon hindi talaga namin matanggap ang pagkamatay niya dahil mahal namahal namin siya at bukod pa doon 3 taong gulang pa lang siya ng bawian ng buhay.ang masakit pa doon ni hindi man lang namin siya nasilayan at nakasama bago siya bawian ng buhay, kaya naman kinamumuhian ko ang Agosto 16, 2004 eto ang araw kung kailan siya nawala sa mundong ito.

Eto ay noong Graduation ko ng Grade 6
Matapos ang pangyayaring iyon ay nataggap na din naman namin ang katotohanan at ipinagpatuloy ang buhay ..naging masaya din naman kami noon sa katunayan nga naka Graduate ako ng Grade 6 na may karangalan, at lubos  iyong ikinasiya ng buong pamilya.

Tapos na nga ang bakasyon kaya naman ako ay papasok na sa paaralan ng CLDDMNHS bilang isang 1st yr. student,at sa hindi inaasahan dito ko nakita at nakilala si Maryjane Agoho .hindi ko itinatanggi na hindi ganoon kadali ang maging 1st yr., kaya lubos akong nagpapasalamat dahil naipasa ko ang unang taon ko sa Hihgschool.

Naghatid din sa akin ng kasiyahan ang mga sumunod na taon ko sa highschool dahil dito ko nakilala sina erica, may,ella,cathy at jonah na nagsilbing mga kaibigan  at parte ng buhay ko.at sa kauna-unahang pagkakaton dito ko rin naranasan ang sumali sa JS PROM at hindi ko ikinakaila na ang araw na ito ay naghatid sa akin ng kasiyahan.

Eto ay noong lumaban kami ng Highschool Musical 
Ngayon nga na kasalukuyan akong 4th yr.Highschool student ay hindi kaila sa skin na bago pa man ako maka Graduate ay marami pa akong kinakailangang gawin, pero naghatid din naman sa akin ang School na ito ng kasiyahan at maraming karanasan , sapagkat ngayon maraming sinalihang kompetisyon ang seksyon namin tulad ng Highschool musical,Cheer Dance atbp.na pinalad na mapanalunan namin at kahit na hindikami nag champion ay naging masaya naman kami.
Isa pa ngayon ding taong ito nanganak muli si mama ng Lalaki at alam namin na siya ang binugay ng diyos sa amin kapalit ni justin at lubos naming ipinagpapasalamat iyon dahil, batid namin na ang batang ito ay ang pupunan sa lahat ng hindi nagawa ng kuya niya sa mundong ito.

Eto ako ngayon
Ngayon nga na buwan na lang ang bibilangin bago mag Graduation ay lubos  na kasiyahan ang aking nararamdaman , sapagkat hudyat na ito ng simula ng aking buhay natatahakin , pero syempre nakadarama rin ako ng kalungkutan sa pagkat ang pagtatapos ko sa Highschool ay ang panahon ding kung kailan maghihiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan, pero higit ko munang iisipin ang ngayon bago ang lahat, dahil hindi ko naman hawak ang bukas at makaka-asa kayo na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.

Hanggang dito na lang muna,dahil sa ngayon eto pa lang ang nararating ko at makaaasa kayo na idudugtong ko dito ang panibagong yugto ng Buhay ko.

Sana marami kayong napulot na aral at magamit nyo itong leksyon sa inyong Buhay...









TALAMBUHAY NI JENICA ANNE T. PACIA


Me, Myself and I

Unang pagpasok ng bagong taon, ganap na 12:35 ng umaga, isang anghel ang ibinigay sa mag-asawang si Donato Cedamon Pacia at Susan Tan Pacia at pinangalanan nila itong Jenica Anne Pacia. Isinilang ako sa San Pablo City,Laguna noong Enero 1,1995 at ako’y 16 taong gulang na ngayon at bunso sa magkakapatid na sina Arnel Pacia na 33 taong gulang,samantalang si Aireen Pacia ay 31 taong gulang,at si Aris Pacia na 27 taong gulang, at si Adonna Pacia na 24 taong gulang at si Arjay PAcia na 18 taong gulang.

Ako nga pala si Jenica Anne T. Pacia, “Jenny” for short. Jenica came from the word January kasi its about the pronounciation of that word and Anne came from the ex-girlfriend of my elder brother Arnel.  Diyan “daw” kinuha ang name ko. Medyo awkward but still thankful  ako in my life.

Hindi naging madali ang buhay naming noon. Ang aking ama ay isang tricyle driver and until now medyo namamasada pa din naman siya. Pero kahit kailan lagi ko siyang ipinagmamalaki dahil siya ang nagging aking ama na angpakahirap para sa amin para maging malusog at maging maayos lang kami. Umpisa maaga ay nagtratrabaho na siya hanggang alas siete ng gabi, na pag uwi ay may dalang ulam para sa aming hapunan.At dati  rin nagkwekwento ang aking ama na noong una ang kanilang kinakain  na ulam ay asin lamang pero di ako makapaniwala pero ngayon namulat ang isip ko na ganun pala kahirap ang buhay namin noon para ulamin lang ang asin, dumanas din kami na nakita naming nag away  si nanay at tatay ko pag wala kaming pambiling bigas at ulam. Pagkatapos pa noon pag lasing din si tatay ko.



Si kuya Aris at ako noong ako'y
isang taong gulang

At sa nanay ko naman na laging nag-aalaga sa amin,siya din ang naggagawa ng gawaing bahay.Naikwento din ng nanay ko sa akin kung anong hirap ang dinanas niya para sa aming magkakapatid .Araw-araw ay gumigising siya ng maaga para din sa amin. Pagkatapos pa noon ay siya din ang naglalaba at nagluluto ,kaya ang hirap talaga dahil ang bahay dati namin ay maliit pa kaya pag mainit ay sobrang init sa loob ng bahay namin. Pero ngayon masasabi ko na maayos  na ang buhay naming dahil napaayos na ang bahay namin dahil napalaki na ng di tulad ng dati. Napaayos ito ng mga kapatid ko na ngayon ay nasa ibang bansa na sa Singapore. Masaya kami  at nandoon sila pero syempre nakaka miss din  pag naaalala naming sila  pero lagi din naman silang natawag  kya minsan balewala na din ang lungkot.Dahil sinabi din dati ng mga kapatid ko sa nanay at tatay ko na makakaahon kami sa hirap at nangyari yun ngayon .Kaya nagpapasalamat mga kapatid ko sa nanay at tatay ko  dahil napalaki kaming maayos.


Nang ako ay Grumaduate ng
kinder

Hanggang sumapit na ako ng kinder, pumasok ako sa edad na 6 na taon sa San Francisco Day Care Center sa Calihan. Naging guro ko ang aking Tiya na kapatid ng aking nanay na si Juanita Tan De Castro. Marahil parte ng aking kamusmusan ang pagiging iyakin. Hindi ko maiwasan na umiyak dala ng takot kong magisa sa paaralan. Nais kong bantayan ako ng aking nanay o kung sinuman para mawal ang aking takot. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong natanggal ang kaba ko sa paaralan. Natutunan kong makipagkaibigan sa kapwa ko kamag-aral, nakikipag-laro, habulan, taguan at nakikipagtawanan ako sa kanila. Masasabi ko na masaya at naenjoy ko ang aking kabataan. Hanggang sumapit ang GRADUATION DAY, isang pangyayari na hindi ko lubos maisip kung para saan, ang alam ko lang masaya ako dahil masaya ang mga taong nakapaligid sa akin, ang aking nanay, tatay at ang aking mga kapatid.

Jenica and Rinalyn
Isang panibagong mundo sa aking isip ang aking pinuntahan, MY ELEMENTARY LIFE. Pumasok ako sa Mababang paaralan ng Bagong Pook  sa aking ikaunang baitang. Unti-unti kong namulat ang aking mata sa panibagong lugar na dapat kong makisanayan. Naaalala ko pa nga na hindi ko pa din maiwasang umiyak dala ng takot kong mag-isa sa paaralan at ganun na din siguro sa aking guro. Mabuti na lang at binabantayan ako ng aking nanay upang kahit papaano ay mabawasan ang takot ko sa paaralan. Minsan ngay natakas ako sa aking paaralan papunta sa San Pablo Central School kung saan nag-aaral ang aking kuya Arjay na nasa ikatlong baitang. At hindi naman nasayang ang kanilang mga pagtitiis sa aking pagiging iyakin. Natapos ko ang unang baitang at isa ako sa napili upang maging achievers. Ngunit napagpasiyahan ng aking mga magulang na ilipat na ako sa Ambray Elementary School kung saan malapit sa aming tirahan.Dito ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral sa ikalawang baitang. Hinding-hindi ko malilimutan ang bahaging ito na aking buhay dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at ang tinatawag nilang “BESTFRIEND”, si Angel. Siya ang lagi kong nakakasama sa kainan o kung may pupuntahan. Nagkakasundo kami sa maraming bagay dahil halos parehas kami ng gusto at ayaw. Naalala ko nga na nangongolekta kami ng mga bagay na magka-partner tulad nung PIN na hugis heart na lagi naming suot sa tuwing kami ay papasok. Naging masaya ang aking ikatlo,ika-apat, ika-lima hanggang sumapit ako sa ika anim na baitang. Marami akong natutunan sa ika anim kong baitang. Natutunan kong maging responsible na pumasok na maaga, pagkaawas ko naman ng tanghalian ay nasama ang aking mga kaibigan sa bahay naming upang kumain ng tanghalian dahil sunusundo naman ako ng aking tatay pauwi sa aming bahay. Pagbalik naman sa paaralan ay mas pinipili naming maglakad upang makapagkwentuhan, asaran at tawanan at upang makabili na din ng tinda sa daan. Tapos pagdating sa paaraln pawisan kaya naman kanya-kanyang polbo sa mukha. Hindi ko din malilimutan ang pagluluto, pananahi at pagdrarawing namin sa MAPEH kaya ang saya-saya. Hanggang sa dumating na ang pagakyat ko sa stage, ang “GRADUATION DAY”. Grabe ang hiya at kaba na aking nadama ng oras na yun. Pagkatapos nun  ay unti-unti kong naramdamn ang lungkot na magpaalam sa aking mga kaibigan pero sabi nga nila Graduation is not the end but the beginning of a new chapter of my life.


Jenica and Elizabeth
And here is the new chapter of my life, “ MY HIGH SCHOOL LIFE”. Im so excited sa unang pasukan dahil ito daw ang pinakamasayang parte ng pagiging estudyante, pero pagka nga naman minamalas, unang Linggo pa lang ng pasukan ay liban na agad ako dahil nilagnat ako. Kaya noong pagpasok ko ay nakakahiya dahil wala pa ako masyadong kakilala at doon ko lang din nalaman na I-F pala ang section ko. Hanggang sa tumagal ay madami na akong nakilala at nagging ‘’BHESTFRIENDS’’ ko sina Jehanne,Elizabeth ,Elaine at ako kaya apat lagi kaming magkakasama kahit saan hanggang sa nagkaroon ng times na nag-away kami. Nahati kami sa dalawa,ako at si Beth at sila naming dalawa pero dumating yung time na niyaya kaming magpadevelop ng pictures ni Beth  kaso bigla namang siyang kinaon kaya kami nalang ni Jehanne dahil doon ay nagka ayos na kami.

Sa pagsapit ko ng ikalawang antas ay II-D  ako,napahiwalay ako sa mag kaibigan ko kaya bagong kaibigan na ulit ang naging kasama ko at ito ay sina Joan at Grace hanggang sa pag-awas.At doon ko din umpisa magkaroon ng tinatawag na”’BOYFRIEND” si Wilbert. At di rin nagtagal ay nagkahiwalay na kami kasi parang di rin kami,ang gulo nga no?



Si Jenica, Shane and Arzell nung kami
ay volunteer palang
At sumapit na ako sa ikatlong antas ay nagging III-C ako.Panibago ulit na makakasama at nakilala ko dun si Arzel at Shane.Kami din ay laging magkakasama hanggang sa napagpasyahan naming sumali ng RCY pero di natuloy dahil sa C.A.T na kami sumali.Naging ‘VOLUNTEER’ kami kung tawagin sa aming paaralan.Sobrang dami din naming noon pero habang natagal ay nababawasan kami dahil naayaw na sila.Pagkatapos pa noon lagi kaming naglilinis at pag tapos na kami ay my mga ‘DRILLS’  kami kung tawagin.May mga officers din kami na ang tataray. Kaya hanggang dumating ang bakasyon ay masaya ako dahil makaka attend ako ng “SUMMER TRAINING”.Hanggang sumapit na  iyon ,sobrang saya ko dahil and dami kung nalaman at naranasan  na di ko makakalimutan.At lahat pa sila ay naging ka close ko.


CAT- Jenica

Hanggang sa sumapit ang bigayan ng designation ay naging 1ST BATTALION S4 ako,grabe ang saya ko pero may umiyak din dahil di nila matanggap noong una na  doon sila napalagay.Pero alam mo nagging malapit kaming lahat sa isa’t-isa at kay Sir Marfori.

At ngayong nasa ika-apat na antas na ako , ang saya ko gawa ng seksyon namin dahil kahit napapagalitan na kami sa sobrang kaingayan ay tuloy pa rin.At kapag naman may test ito ang lagging sinasabi “CHEATING IS BAD BUT IN CASE OF EMERGENCY ,GOD WILL UNDERSTAND”.At  masasabi ko din na ang 4-C ang THE BEST sa lahat dahil nagtutulungan ang lahat pag may problema.Andyan din ang tawanan,asaran,biruan at kung anu-ano pa.Tapos nakaranas din ako na magka bf na sunod-sunod na sina Tj,Rc tapos si Jc at nagging M.U din si Jeric.Hanggang nagging kami ulit ni Rc noong Disyembre 17,2010 kaso parang di rin kami kase di kame man lang nag-uusap hanggang sa naghiwalay na lang kami pero nagging masaya naman ulit ako kahit paano sa kanya.



Picture ko Last christmas
 
Kinabukasan ay Disyembre 18,2010 ay nagka swimming kaming mga officers sa bukid ni Sir Marfori. Naglangoy kami,salawan,harutan at asaran.Naglakad din kami sa ilog while may hawak na lubid.Nalunod pa din noon si Mam Culaway at si Mam Lex tsaka si Sir Lopez.PAgkatpos pa noon ay naglaro kami ng paunahan makabalik while na may nakasimbaba sa likod,hirap nga makatakbo kase sa putikan kami naglaro at nagbuhat pa sa akin noon ay si Sir Esturas na pagkatapos din noon ay  hilahan ng lubid naman ang sunod at noong natapos yun ay pinaglaruan ko si Sir Esturas,na tinulak ko sa putik hanggang sa mapahiga at magkaroon ng madaming putik sa katawan at pinagtatalunan ko kaya lahat ng nakakita ay tawang-tawa.Pagkatapos noon ay sabay-sabay kaming kumain kaya ang saya-saya talaga.Tapos pa noon ay nagtawid kami sa lubid na first time ko nagawa.Naulan pa din noon pero balewala sa amin basta ang saya-saya namin.


Problemadong Girl sa lovelife

Pagkatapos noon ay balik tayo sa love,naging kami ulit ni Patrick,naging kami kase nito noong 3rd year ako tapos ngayon naging kami nitong January 08,2011.Tapos sumapit ang February 14,2011 kung saan ay Araw ng mga Puso.May nagbigay sa akin ng bulaklak at si Patrick alvero yun, pero maya-maya ay binigyan ako ni Cedrex Alvaran ng bulaklak at hikaw ,grabe kinabahan ako pero nawala naman at tuwa ang nanaig.

Ngayon ganito pa din ang Lovelife ko,hirap pa i-explain.Kaya hanggang dito na lang muna  ang istorya ng aking buhay.Alam ko din na may nakakaranas din na iba nitong nararanasan ko ngayon na tungkol sa “LOVELIFE”.

Saturday, February 19, 2011

              Nag-enroll ako sa Dizon High.1-A ako nun,mahirap makipagsabayan sa kanila bagus nagcucutting pa ako nun kaya bumaba ang section ko pero nung napalipat na ako sa 2B naging masaya ako kasi nakilala ko ang bestfriend kong si Ivy Ellain Faustino.Hanggang ngayon ay bestfriend kami kahit siya ay nag-asawa ng maaga eh di parin niya ako nakakalimutan.Pag may problema kami,nagtetext lang kami para makahingi ng advice.Miss ko na yung babaeng yun kahit lagi akong inaasar.
              Bumaba na naman ang section ko.Nung una ayaw ko sa 3C pero  mas masaya pala dito.Nakilala ko yung mga totoo kong kaibigan at may nabuo kaming samahan ito ay ang "PEPXTERSZ".Ako,si Ivy,Gizelle,Micah,Rinah,Jean,Jaeime at Rachel.Nakakamiss pero ganun talaga ang buhay eh.nagkahiwa-hiwalay kami kase yung iba bumaba ang section at yung iba ay nagsipag asawa na.JS Prom,ang saya kahit di kumpleto.
              Lumipat man ang iba,pero nanatili parin kami sa C.Kahit apat na lang kami at minsan ay nag-aaway ay ayos pa din kami sa kabila ng mga problema nagagawa pa naming tumawa.Masaya kaming makakapagtapos at sana ay matupad namin ang mga pangarap namin.
   
              Sa pagiging palakaibigan ko ay naatasan kaming magturo ng Florante at Laura sa 2H.Mahirap at sobrang nakakapagod.May isang taong nakaagaw ng atensyon ko at yun ay si Edward Torina.Mabait siya,maalaga at sa nkanya ko lang naramdaman yung ganito.Nung una flirt lang,pero di ko namamaayan na nahulog na paa ako sa kanya.Nanligaw siya at nung Jan.27,2011 ay naging kami na hanggang ngayon.sa kanya ang ako nagseryoso ng ganito.Ag lagi niya lang payo sakin ay mag-aral ako ng mabuti para maging maayos ang buhay ko.Mahal na mahal ko siya,binago niya ang buhay ko. 
              Ang buhay ko ay marami ng pinagdaanan lalo na ngayong may probema ako at di ko alam kung paano ito lutasin.Magiging matatag ako pars sa kanya at para sa sarii ko,ayoko kasing mawala ang taong mahal na mahal kio.Madami na din akong nagawang pagkakamali pero ito ay pinagsisisihan ko na,Mas masarap mabuhay ng masaya,mapayapa at walang kaaway.