|
Me, Myself and I |
Unang pagpasok ng bagong taon, ganap na 12:35 ng umaga, isang anghel ang ibinigay sa mag-asawang si Donato Cedamon Pacia at Susan Tan Pacia at pinangalanan nila itong Jenica Anne Pacia. Isinilang ako sa San Pablo City,Laguna noong Enero 1,1995 at ako’y 16 taong gulang na ngayon at bunso sa magkakapatid na sina Arnel Pacia na 33 taong gulang,samantalang si Aireen Pacia ay 31 taong gulang,at si Aris Pacia na 27 taong gulang, at si Adonna Pacia na 24 taong gulang at si Arjay PAcia na 18 taong gulang.
Ako nga pala si Jenica Anne T. Pacia, “Jenny” for short. Jenica came from the word January kasi its about the pronounciation of that word and Anne came from the ex-girlfriend of my elder brother Arnel. Diyan “daw” kinuha ang name ko. Medyo awkward but still thankful ako in my life.
Hindi naging madali ang buhay naming noon. Ang aking ama ay isang tricyle driver and until now medyo namamasada pa din naman siya. Pero kahit kailan lagi ko siyang ipinagmamalaki dahil siya ang nagging aking ama na angpakahirap para sa amin para maging malusog at maging maayos lang kami. Umpisa maaga ay nagtratrabaho na siya hanggang alas siete ng gabi, na pag uwi ay may dalang ulam para sa aming hapunan.At dati rin nagkwekwento ang aking ama na noong una ang kanilang kinakain na ulam ay asin lamang pero di ako makapaniwala pero ngayon namulat ang isip ko na ganun pala kahirap ang buhay namin noon para ulamin lang ang asin, dumanas din kami na nakita naming nag away si nanay at tatay ko pag wala kaming pambiling bigas at ulam. Pagkatapos pa noon pag lasing din si tatay ko.
|
Si kuya Aris at ako noong ako'y
isang taong gulang |
At sa nanay ko naman na laging nag-aalaga sa amin,siya din ang naggagawa ng gawaing bahay.Naikwento din ng nanay ko sa akin kung anong hirap ang dinanas niya para sa aming magkakapatid .Araw-araw ay gumigising siya ng maaga para din sa amin. Pagkatapos pa noon ay siya din ang naglalaba at nagluluto ,kaya ang hirap talaga dahil ang bahay dati namin ay maliit pa kaya pag mainit ay sobrang init sa loob ng bahay namin. Pero ngayon masasabi ko na maayos na ang buhay naming dahil napaayos na ang bahay namin dahil napalaki na ng di tulad ng dati. Napaayos ito ng mga kapatid ko na ngayon ay nasa ibang bansa na sa Singapore. Masaya kami at nandoon sila pero syempre nakaka miss din pag naaalala naming sila pero lagi din naman silang natawag kya minsan balewala na din ang lungkot.Dahil sinabi din dati ng mga kapatid ko sa nanay at tatay ko na makakaahon kami sa hirap at nangyari yun ngayon .Kaya nagpapasalamat mga kapatid ko sa nanay at tatay ko dahil napalaki kaming maayos.
|
Nang ako ay Grumaduate ng
kinder |
Hanggang sumapit na ako ng kinder, pumasok ako sa edad na 6 na taon sa San Francisco Day Care Center sa Calihan. Naging guro ko ang aking Tiya na kapatid ng aking nanay na si Juanita Tan De Castro. Marahil parte ng aking kamusmusan ang pagiging iyakin. Hindi ko maiwasan na umiyak dala ng takot kong magisa sa paaralan. Nais kong bantayan ako ng aking nanay o kung sinuman para mawal ang aking takot. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong natanggal ang kaba ko sa paaralan. Natutunan kong makipagkaibigan sa kapwa ko kamag-aral, nakikipag-laro, habulan, taguan at nakikipagtawanan ako sa kanila. Masasabi ko na masaya at naenjoy ko ang aking kabataan. Hanggang sumapit ang GRADUATION DAY, isang pangyayari na hindi ko lubos maisip kung para saan, ang alam ko lang masaya ako dahil masaya ang mga taong nakapaligid sa akin, ang aking nanay, tatay at ang aking mga kapatid.
|
Jenica and Rinalyn |
Isang panibagong mundo sa aking isip ang aking pinuntahan, MY ELEMENTARY LIFE. Pumasok ako sa Mababang paaralan ng Bagong Pook sa aking ikaunang baitang. Unti-unti kong namulat ang aking mata sa panibagong lugar na dapat kong makisanayan. Naaalala ko pa nga na hindi ko pa din maiwasang umiyak dala ng takot kong mag-isa sa paaralan at ganun na din siguro sa aking guro. Mabuti na lang at binabantayan ako ng aking nanay upang kahit papaano ay mabawasan ang takot ko sa paaralan. Minsan ngay natakas ako sa aking paaralan papunta sa San Pablo Central School kung saan nag-aaral ang aking kuya Arjay na nasa ikatlong baitang. At hindi naman nasayang ang kanilang mga pagtitiis sa aking pagiging iyakin. Natapos ko ang unang baitang at isa ako sa napili upang maging achievers. Ngunit napagpasiyahan ng aking mga magulang na ilipat na ako sa Ambray Elementary School kung saan malapit sa aming tirahan.Dito ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral sa ikalawang baitang. Hinding-hindi ko malilimutan ang bahaging ito na aking buhay dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at ang tinatawag nilang “BESTFRIEND”, si Angel. Siya ang lagi kong nakakasama sa kainan o kung may pupuntahan. Nagkakasundo kami sa maraming bagay dahil halos parehas kami ng gusto at ayaw. Naalala ko nga na nangongolekta kami ng mga bagay na magka-partner tulad nung PIN na hugis heart na lagi naming suot sa tuwing kami ay papasok. Naging masaya ang aking ikatlo,ika-apat, ika-lima hanggang sumapit ako sa ika anim na baitang. Marami akong natutunan sa ika anim kong baitang. Natutunan kong maging responsible na pumasok na maaga, pagkaawas ko naman ng tanghalian ay nasama ang aking mga kaibigan sa bahay naming upang kumain ng tanghalian dahil sunusundo naman ako ng aking tatay pauwi sa aming bahay. Pagbalik naman sa paaralan ay mas pinipili naming maglakad upang makapagkwentuhan, asaran at tawanan at upang makabili na din ng tinda sa daan. Tapos pagdating sa paaraln pawisan kaya naman kanya-kanyang polbo sa mukha. Hindi ko din malilimutan ang pagluluto, pananahi at pagdrarawing namin sa MAPEH kaya ang saya-saya. Hanggang sa dumating na ang pagakyat ko sa stage, ang “GRADUATION DAY”. Grabe ang hiya at kaba na aking nadama ng oras na yun. Pagkatapos nun ay unti-unti kong naramdamn ang lungkot na magpaalam sa aking mga kaibigan pero sabi nga nila Graduation is not the end but the beginning of a new chapter of my life.
|
Jenica and Elizabeth |
And here is the new chapter of my life, “ MY HIGH SCHOOL LIFE”. Im so excited sa unang pasukan dahil ito daw ang pinakamasayang parte ng pagiging estudyante, pero pagka nga naman minamalas, unang Linggo pa lang ng pasukan ay liban na agad ako dahil nilagnat ako. Kaya noong pagpasok ko ay nakakahiya dahil wala pa ako masyadong kakilala at doon ko lang din nalaman na I-F pala ang section ko. Hanggang sa tumagal ay madami na akong nakilala at nagging ‘’BHESTFRIENDS’’ ko sina Jehanne,Elizabeth ,Elaine at ako kaya apat lagi kaming magkakasama kahit saan hanggang sa nagkaroon ng times na nag-away kami. Nahati kami sa dalawa,ako at si Beth at sila naming dalawa pero dumating yung time na niyaya kaming magpadevelop ng pictures ni Beth kaso bigla namang siyang kinaon kaya kami nalang ni Jehanne dahil doon ay nagka ayos na kami.
Sa pagsapit ko ng ikalawang antas ay II-D ako,napahiwalay ako sa mag kaibigan ko kaya bagong kaibigan na ulit ang naging kasama ko at ito ay sina Joan at Grace hanggang sa pag-awas.At doon ko din umpisa magkaroon ng tinatawag na”’BOYFRIEND” si Wilbert. At di rin nagtagal ay nagkahiwalay na kami kasi parang di rin kami,ang gulo nga no?
|
Si Jenica, Shane and Arzell nung kami
ay volunteer palang |
At sumapit na ako sa ikatlong antas ay nagging III-C ako.Panibago ulit na makakasama at nakilala ko dun si Arzel at Shane.Kami din ay laging magkakasama hanggang sa napagpasyahan naming sumali ng RCY pero di natuloy dahil sa C.A.T na kami sumali.Naging ‘VOLUNTEER’ kami kung tawagin sa aming paaralan.Sobrang dami din naming noon pero habang natagal ay nababawasan kami dahil naayaw na sila.Pagkatapos pa noon lagi kaming naglilinis at pag tapos na kami ay my mga ‘DRILLS’ kami kung tawagin.May mga officers din kami na ang tataray. Kaya hanggang dumating ang bakasyon ay masaya ako dahil makaka attend ako ng “SUMMER TRAINING”.Hanggang sumapit na iyon ,sobrang saya ko dahil and dami kung nalaman at naranasan na di ko makakalimutan.At lahat pa sila ay naging ka close ko.
|
CAT- Jenica |
Hanggang sa sumapit ang bigayan ng designation ay naging 1ST BATTALION S4 ako,grabe ang saya ko pero may umiyak din dahil di nila matanggap noong una na doon sila napalagay.Pero alam mo nagging malapit kaming lahat sa isa’t-isa at kay Sir Marfori.
At ngayong nasa ika-apat na antas na ako , ang saya ko gawa ng seksyon namin dahil kahit napapagalitan na kami sa sobrang kaingayan ay tuloy pa rin.At kapag naman may test ito ang lagging sinasabi “CHEATING IS BAD BUT IN CASE OF EMERGENCY ,GOD WILL UNDERSTAND”.At masasabi ko din na ang 4-C ang THE BEST sa lahat dahil nagtutulungan ang lahat pag may problema.Andyan din ang tawanan,asaran,biruan at kung anu-ano pa.Tapos nakaranas din ako na magka bf na sunod-sunod na sina Tj,Rc tapos si Jc at nagging M.U din si Jeric.Hanggang nagging kami ulit ni Rc noong Disyembre 17,2010 kaso parang di rin kami kase di kame man lang nag-uusap hanggang sa naghiwalay na lang kami pero nagging masaya naman ulit ako kahit paano sa kanya.
|
Picture ko Last christmas |
Kinabukasan ay Disyembre 18,2010 ay nagka swimming kaming mga officers sa bukid ni Sir Marfori. Naglangoy kami,salawan,harutan at asaran.Naglakad din kami sa ilog while may hawak na lubid.Nalunod pa din noon si Mam Culaway at si Mam Lex tsaka si Sir Lopez.PAgkatpos pa noon ay naglaro kami ng paunahan makabalik while na may nakasimbaba sa likod,hirap nga makatakbo kase sa putikan kami naglaro at nagbuhat pa sa akin noon ay si Sir Esturas na pagkatapos din noon ay hilahan ng lubid naman ang sunod at noong natapos yun ay pinaglaruan ko si Sir Esturas,na tinulak ko sa putik hanggang sa mapahiga at magkaroon ng madaming putik sa katawan at pinagtatalunan ko kaya lahat ng nakakita ay tawang-tawa.Pagkatapos noon ay sabay-sabay kaming kumain kaya ang saya-saya talaga.Tapos pa noon ay nagtawid kami sa lubid na first time ko nagawa.Naulan pa din noon pero balewala sa amin basta ang saya-saya namin.
|
Problemadong Girl sa lovelife |
Pagkatapos noon ay balik tayo sa love,naging kami ulit ni Patrick,naging kami kase nito noong 3rd year ako tapos ngayon naging kami nitong January 08,2011.Tapos sumapit ang February 14,2011 kung saan ay Araw ng mga Puso.May nagbigay sa akin ng bulaklak at si Patrick alvero yun, pero maya-maya ay binigyan ako ni Cedrex Alvaran ng bulaklak at hikaw ,grabe kinabahan ako pero nawala naman at tuwa ang nanaig.
Ngayon ganito pa din ang Lovelife ko,hirap pa i-explain.Kaya hanggang dito na lang muna ang istorya ng aking buhay.Alam ko din na may nakakaranas din na iba nitong nararanasan ko ngayon na tungkol sa “LOVELIFE”.