Tuesday, March 22, 2011

TALAMBUHAY NI AXL RAYMUNDO MOJICA

pppp
Noong sanggol pa ako

Ako si Axl Raymundo Mojica ipinanganak noong ika-30 ng Abril taong 1995.ako ay panganay sa aming mag kakapatid.ang aking mga mahal na magulang ay sina Benson Mojica at Linda Mojica
ako ay ipinanganak sa San Pablo City Laguna.

Tunay na maganda ang pag papalaki sa akin ng mga magulang.noong  ako ay sangol pa lamang.Binuhos nila lahat sa akin ang kanilang pagmamahal.
 kahit na isipan nang aking mahal na mama na mag tungo sa taiwan upang mag hanap buhay upang may maipang tutos sa aming mga pangangailangan. di naman nag kukulang sa pag aalaga ang aming ama.
noon bata pa lang kami ay madalas din kami na iiwan sa aking lola para may mag bantay sa amin pansamantala

madalas din kasi si papa sumama sa pag vovuluntaryo sa mga nagaganap na sakuna .tulad na lamang noong sumabog ang bulkang mayon.sila nang mga kaopisina niya ay nakiisa sa pag tulong sa mga na ganap na
sakuna.

My 1st bisrthday


ako ay nag simulang mag aral sa paaralan ng D.I Calihan Day Care Center.minsan naaalala ko pa na madalas kaming mapagalitan
nang aming guro dahil sa sobrang gulo namen sa klase.nang mag tapos ako sa paaralang ito ay humanap ng
paaralan ang aking mga magulang na aking pag papasukan.

naisipan at napag kasunduan nang aking mga magulang na sa Deves Elementary School ako
pagaralin nang grade one isang taon lang ako nag aral dito at inilipat sa San Pablo Central School upang doon ipag patuloy ang pag aaral ko .ngunit sa hindi inaasahang mga bagay ay napahinto ako sa pag aaral.naging sakitin ko .sobra din akong likot kaya na lamang madalas din ako ma aksidente.tulad na lamang noong nag babaras ako na aksidenteng pumihit ang tubong kinakapitan ko at sabay kami pumatak sa semento ng tubo.tumama ang baba ko sa semento na nag uwi sa isang bumukang sugat .dali dali akong pumasok nang bahay upang malaman ang nangyari sakin.dali dali akong dinala sa pagamutan nang aking mga magulang at ipina tahi ito.ilang linggo din ako nag pagaling at isang taon ang nakalipas ay na sundan na naman ito ng isa pang aksidente noong nag punta kami sa Sm  nag punta ako sa palikuran ngunit aksidente akong na dulas at nawalan ng balanse at tuluyang bumagsak at tumama ang aking baba sa lababo ng palikuran at nag dulot ulit na sugat sa baba ko at dali dali akong dinala sa klinika ng Sm upang malapatan nang pangunahing lunas.

Sa ilang taon kong paghinto sa pag-aaral marami akong natutunan sa mga naging barkada ko na di naman mga bisyo kundi mga bagay na mapagkakaabalahan pag walang ginagawa. tinuruan ako nang mga kaibigan
ko maglaro ng basketball at pag lalaro na baseball tuwing araw nang sabado. sa paaralan kami ng San Roque naglalaronito.madalas din sila mag swimming sa ilog sa San Rapael sa may riverina noong panahong malinis pa ang tubig doon.natutunan ko din ang mamiwas ng isa.


Nang maisipan ko na ulit ipagpatuloy ang pag aaral may mga bagay akong. natutunan.tulad na lamang nang pag lalaro nang
sepak at volleyball ngunit hindi ako nag player sa nasabi kong mga laro.sa larong basketball ako nag tryout at pinalad na maging player sa central.at lumaban sa Division meet naka harap namin ang ibat ibang paaralan gaya nang Cannosa,Dapdapan,Saint Joseph, San Pablo Collages.kami ay hindi pinalad na mag kampyon sa larong ito.kami ay ay nag kamit ng ikatlong pwesto kahit papaano.simula nang pag sali ko sa bawat mga sports.nag simula narin akong makilahok sa liga sa aming lugar.madalas man akong di nakakalaro sa bawat laro ng aming kupunan ay masaya parin ako na nanonood ng bawat laban .

Dumako naman tayo sa pag tungtong ko sa high school.ako ay nag-enrol sa paaralan ng Dizon High ng walang pag aalin-langan.
sa pag tungtong ko sa unang antas sa High School marami akong bagong naging mga kaibigan.dito ko nakilala si Mark si Eman si Rodnie at iba pa.si John Paul din ay naging kabarkada ko din ..naisipan niyang mag aral mag gitara na nag paturo sakin .natuto din naman agad ito at ng magtagal ay naisipan nadin namin na mag buo ng banda.humanap kami nang gitarista vocalist at drumer may nahanap kami sa gitara ay nakita namin na marunung din mag gitara ang kaklase naming babae na si aina ito narin ang kinuha namin para sa pwesto sa pag babass.sa vocalist naman ay kinuha namin si rodnie at shaira sabirin sa dums naman ay c mark john carlos tinawag ang banda naming the classmate sapagkat kaming lahat ay mag kaka eskwela. unang sabak pa lang namin ay nag audition kami kay sir Victorio pinalad kaming maka pasok para sa pag tugtog sa ginanap na battle of the band sa dizon.sumali din ako sa lakan at mutya nang dizon high hindi man nanalo ay ayos lang
sapagkat malaking karangalan na naging isa ako sa mga kasali.


Pag tungtong ko naman sa ikalawang antas marami rin kaming mag naging karanasan tulad na lang nang pag sali sa Florante at Laura. ang aming sekyon ay nag kamit ng ikalawang pwesto sa nasabing patimpalak ako naman ay pinalad na mag kamit ng ika unang pwesto sa pag ganap ko bilang menandro di lang naman dahil sakin kaya na kamit ko yon sa tulong din ng gumanap na kawal na sina allen,bryan,at si eman.

sa ikatlong antas naman ay naging masaya din ako naka sali ako sa banda at naging extra vocalist kinuha ako
nila john paul sa banda at sumali kami sa battle of the band sa labas na paaralan kami ay nakapasok sa ika apat na pwesto ngunit una ikalawa at ikaklo lamang ang may premyo
Practice ng cheerdance

sa ika apat na antas naman ay marami akong naranasan tulad ng pag sali ng aming sekyon sa cheerdance kami ay hindi man pinalad na mag kampyon. kahit ika apat na pwesto lang ang aming sekyon ay naging masaya naman kami.naranasan ko din ang isa sa pinaka masayang event sa paaralan ang mini olympics kami ay sumali sa mga laro gaya nang soccer,volleyball,basketball sa soccer kami nag kamit nang ikalawang pwesto at sa iba ay wala na.

ngaun ay marami akong binabalak sa aking buhaygusto ko nang makatapos sa pag-aaral at mag-hanap nang trabaho upang makaipon ng pera para sa aking kinabukasan.


Tropang Suko
JS Prom ng 4c :)